Agri products smuggling iimbestigahan ng Senate Committee of the Whole
Labis na ang pagka-awa ni Senate President Vicente Sotto III sa mga magsasakang Filipino kayat hiniling na niya sa mga kapwa senador na imbestigahan ang nagpapatuloy na smuggling ng mga produktong-agrikultural.
Matapos ang kanyang privilege speech, binuo ang Senado bilang Committee of the Whole para malaman kung may nagiging pagkukulang ang Bureau of Customs para mapigilan ang pagpupuslit papasok ng bansa ng mga produktong-agrikultural.
“This is a call for this august body to exercise its oversight function and look into these matters. Hindi lang pandemya ang pinaka mabigat na kalaban ngayon kung hindi korupsyon. Some have said that ‘the biggest disease is corruption.’ Ito ang tuluy-tuloy na nagpapahirap sa ating lahat,” diin ni Sotto.
Binanggit nito na base sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, maituturing ng pananabotahe sa ekonomiya ng bansa ang smuggling ng mga produktong-agrikultural na nagkakahalaga ng P1 milyon pataas at P10 milyon kapag bigas ang ipinuslit.
Aniya dahil sa katiwalian at korapsyon lubha nang naapektuhan hindi lamang ang mga magsasaka, kundi maging ang mga negosyante at konsyumer.
Puna pa niya, sa 25 anti-smuggling operations ng Customs Bureau, halos P1 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang produkto, ngunit aniya tila wala din nangyayari dahil patuloy pa rin ang operasyon ng mga smuggler.
Sabi pa ng senador, kahit anong gawing pagsusumikap para mapagbuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa bansa, balewala lamang ang mga ito dahil sa patuloy na smuggling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.