Halos 1.5-M doses ng Moderna COVID-19 vaccine, dumating sa bansa
Naipadala na sa Pilipinas ang halos 1.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Moderna, Lunes ng hapon (December 6).
Dumating ang eroplanong may dala ng 1,497,200 doses ng COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 pasado 3:00 ng hapon.
Binili ng gobyerno ang naturang batch ng bakuna.
Sa datos hanggang December 2, umabot na sa 146 milyon ang kabuuang COVID-19 vaccine doses na nai-deliver sa bansa.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabakuna sa mga may edad 12 hanggang 17.
Nakakapagbigay na rin ang gobyerno ng booster shots sa health workers, senior citizens, at persons with comorbidities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.