Dalawang paaralan sa Maynila, sinimulan na ang face-to-face classes

By Angellic Jordan December 06, 2021 - 02:33 PM

Manila PIO photo

May dalawang paaralan sa Maynila na kabilang sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa araw ng Lunes, December 6.

Sa pangunguna ni Vice Mayor Dr. Honey Lacuna, nag-inspeksyon ang Manila City Government sa mga paaralan.

Binisita nito ang Aurora Quezon Elementary School at Ramon Avancena High School kung saan isinagawa ang limited face-to-face classes.

Sa Aurora Quezon Elementary School, may 60 estudyante mula sa Kinder hanggang Grade 5 ang nakilahok sa pilot run, habang 15 senior high students naman sa Ramon Avancena High School.

“Napakaimportante nito dahil iba pa rin kasi talaga ang ginagawa natin na pagtuturo at pag-aaral kapag face-to-face,” pahayag ng bise alkalde.

Dagdag nito, “May interaksyon kasi kapag ganito, nawala kasi yung interaction natin sa mga bata (ngayong pandemic). So talagang looking forward sila na makabalik sa kanilang mga schools.”

Tiniyak ni Lacuna sa mga magulang na protektado ang kanilang mga anak sa bisinidad ng paaralan.

TAGS: facetofaceclasses, HoneyLacuna, InquirerNews, RadyoInquirerNews, facetofaceclasses, HoneyLacuna, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.