PPCRV volunteer, patay sa pananambang sa Pagadian City
Nasawi ang isang volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) habang naninilbihan sa eleksyon.
Ngayong umaga nag-alay ng panalangin sa PPCRV command center para sa volunteer nilang si Adela Elmida.
Ayon kay PPCRV Command Center Operations Head Ana de Villa-Singson, patungo sa Air 21 si Elmida nang siya ay tambangan.
Bitbit noon ni Elmida ang mga election returns (ERs) at kasama niya ang kaniyang anak na nasugatan din sa nasabing pananambang.
Mariin namang kinondena ng PPCRV ang nasabing insidente.
Ayon kay Tita De Villa, National Chairperson ng PPCRV, labis na nakakalungkot at hindi katanggap-tanggap ang pagkamatay ng kanilang volunteer na si Elmida.
Tinambangan ang biktima sa Pagadian City pasado alas-4:00 ng umaga, nang papunta siya sa Air 21 upang dalhin ang election returns o ER’s, na iluluwas dapat sa Maynila.
Nasa ospital ngayon ang dose anyos na anak ni Elmida at nangangailangan ng dalawang daang libong piso para maoperahan.
Sa kabila ng malungkot na balita, tuloy-tuloy ang partial at unofficial election tally ng PPCRV./ Isa Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.