Pagbakuna sa mga kabataan, guro pinamamadali ni Sen. Gatchalian

By Jan Escosio December 03, 2021 - 07:03 PM

Dahil sa banta dulot ng Omicron variant ng COVID-19, hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian na palawakin at madaliin ang ginagawang pagbabakuna sa mga guro at kabataan.

Ayon kay Gatchalian, nakakadagdag sa kumpiyansa ng mga guro at kabataan ang bakuna bukod pa sa karagdagang proteksyon sa kanila.

Aniya, higit itong kailangan dahil binabalak ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na dagdagan ang bilang ng mga paaralan sa pilot testing ng limited face-to-face classes.

Sa huling pahayag ng DepEd, ikinukunsidera ang 177 pang paaralan sa ‘in-person classes’ kabilang na ang 28 paaralan sa Metro Manila na magsisimula sa darating na Disyembre 6.

“Dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID 19 dapat nating paigtingin ang pagbabakuna sa mga guro at mga kabataan lalo na’t ngayon pa lang sila unti-unting nakakabalik sa kanilang mga paaralan,” diin ni Gatchalian.

Bukod dito, isinusulong din ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education ang regular COVID-19 tests sa mga guro.

TAGS: InquirerNews, OmicronVariant, RadyoInquirerNews, SherwinGatchalian, InquirerNews, OmicronVariant, RadyoInquirerNews, SherwinGatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.