Legarda: Magdoble-ingat laban sa Omicron variant

By Angellic Jordan December 02, 2021 - 05:01 PM

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Umapela si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols at border control sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa ibang bansa.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang mahigpit na pagtalima sa basic health and safety protocols, tulad ng pagsuot ng face masks, proper hygiene at social distancing.

Suportado naman ng three term senator ang paghihigpit ng border control upang hindi na makapasok sa Pilipinas ang bagong variant.

Kasabay nito, hinikayat ni Legarda ang gobyerno at pribadong sektor na kunin ang alok ng World Health Organization (WHO) na modern blood testing technology para ma-detect agad kung positibo sa virus ang isang tao.

Maigi aniyang palakasin pa ang pagsusuri at pagbabakuna.

Suportado rin ng kongresista ang ikinasang national vaccination drive ng pamahalaan.

TAGS: COVIDvariant, InquirerNews, LorenLegarda, OmicronVariant, RadyoInquirerNews, COVIDvariant, InquirerNews, LorenLegarda, OmicronVariant, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.