MRT-3, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng commuters mula nang magbalik-operasyon

By Angellic Jordan December 02, 2021 - 04:28 PM

Naserbisyuhan ang 186,111 na pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Miyerkules, December 1.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong June 2020.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, resulta ito ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren, at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train set sa linya.

Nadagdagan din ang kapasidad ng mga tren sa 70 porsyento sa Metro Manila habang nakasailalim sa Alert Level 2.

Kaya makapagsakay ng 276 na pasahero kada train car o 827 na pasahero kada train set.

Nasa 17 hanggang 21 ang average train sets na napapatakbo sa main line.

Siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na mahigpit na ipinatutupad ang minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

TAGS: DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongMRT3, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.