Mga smuggled na sibuyas, sinira sa Bukidnon

By Angellic Jordan December 02, 2021 - 04:17 PM

Sinira ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro ang mga nasamsam na smuggled na sibuyas sa loob ng pasilidad ng Terra Cycliq Corporation sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Gamit ang backhoe, ibinaon ang mga sibuyas sa lupa na may lalim na 12 talampakan.

Ang mga sinirang sibuyas ay bahagi ng mga nasabat ng produkto kasabay ng pinaigting na anti-smuggling drive mula August 2021.

Muling iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi maaring i-donate ang mga nakumpiskang sibuyas dahil kulang ito sa Sanitary Phytosanitary Import Clearance, na maaring magdala ng panganib sa publiko.

Sa pamamagitan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), tiniyak din ng ahensya ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga salarin dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS: BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.