Palasyo tiwala na makakabangon ang ekonomiya ng bansa
Kumpiyansa ang Malakanyang na sisigla ang ekonomiya ng Pililinas sa kabila nang nagpapatuloy na pandemya.
Ayon kay acting presidential spokesman, Cabinet Sec. Karlo Nograles, nagsalita na ang National Economic Development Authority (NEDA) at economic managers na kayang maabot ang economic growth target ngayong taon.
Patuloy aniya ang pakiusap ng Palasyo sa publiko na magpabakuna.
Kapag bakunado, katuwiran ni Nograles, maari nang magbukas ang mga negosyo para lalong mapalakas ang pagbangon ng ekonomiya.
“Nagsalita na rin po ang NEDA at ang ating mga economic managers tungkol diyan. We are confident ‘no, up to now we are confident na mararating natin iyong ating economic growth targets and barring any unforeseen circumstances ‘no, kung patuloy itong pagbaba noong kaso, patuloy rin po iyong pagbaba rin ng mga ADAR, ang two-week growth rate, pati patuloy pa rin po iyong safe reopening natin ng ating ekonomiya then we’re very confident that we will reach our growth targets, ” pahayag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.