Iloilo City gov’t, may libreng sakay para sa mga magtutungo sa vaccination sites
Magbibigay ng libreng sakay ang Iloilo City Government para sa mga indibiduwal na makikiisa sa Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days.
Ayon sa Iloilo City Government, maaring makapag-avail ng libreng sakay ang mga magpapabakuna mula November 29 hanggang December 1, 2021.
Libreng ihahatid ang mga indibiduwal sa pitong city districts patungo sa itinalagang vaccination sites.
Simula 7:30 ng umaga, handa na ang mga bus sa mga district plaza.
Ayon sa Iloilo City Government, kailangan lamang maghintay ng mga magpapabakuna sa main road upang makapag-avail ng libreng sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.