Dating Caloocan Cong. Mitch Cajayon, absuwelto na sa kaso; Humihiling ng reporma sa Ombudsman

By Chona Yu November 29, 2021 - 03:00 PM

Panahon na umano para tiyakin ng Office of the Ombudsman na ang lahat ng reklamong ihinahain dito ay may kalakip na matitibay na ebidensya at sapat na batayan.

Ito ang sigaw ni dating Congresswoman Mitch Cajayon-Uy matapos ang ginawang pag-absuwelto ng Sandiganbayan sa kasong kriminal na isinampa sa kanya noong siya pa ang kongresista sa Second district ng Caloocan City.

Kabilang sa reporma na nais ng dati ring executive director ng Council for the Welfare of Children ng DSWD ay ang mas mahigpit na proseso sa pagsusuri bago iakyat sa korte ang asunto upang hindi masayang ang oras at pondo ng gobyerno.

Sa kanya aniyang naging kaso, isang ‘Marites’ o tsismosa lang na walang totoong pangalan ang naghain ng gawa-gawang kwento pero kataka-takang naiakyat pa ito sa Sandiganbayan.

Malinaw aniya na nagagamit na sa pulitika ang Ombudsman.

Batay sa datos na hawak ni Cajayon, mula sa P4.82 bilyong pondo ng Ombudsman noong 2019, P643.2 milyon o 51 porsyento ang ginastos sa anti-corruption investigation program nito, na ang resulta ay 17.88 porsyento lamang ng natanggap na reklamo ang nasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo.

Bagamat absuwelto na pero ang tanong ni Cajayon, kung paano na ang perwisyong idinulot ng walang basehang kaso sa kanyang pamilya sa loob ng anim na taon.

Paliwanag ni Cajayon, kaisa siya ni Ombudsman Samuel Martires at ng gobyerno sa pagpapunlad sa anti-graft agency pero mas makukuha aniya ang inaasam na pagbabago at pagtitipid ng pondo kung mai-improve ang umiiral na proseso.

Bahagi ng pahayag ni Cajayon:

TAGS: InquirerNews, Mitch Cajayon-Uy, ombudsman, RadyoInquirerNews, sandiganbayan, InquirerNews, Mitch Cajayon-Uy, ombudsman, RadyoInquirerNews, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.