Paglulunsad ng 3-day national vaccination drive, pinangunahan ni Pangulong Duterte
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng National Vaccination Days: Bayanihan, Bakunahan 2021 sa Antipolo City, Rizal Lunes ng hapon (November 29).
Nagtungo ang pangulo sa SM City Masinag, kasama ang ilan pang opisyal ng gobyerno, sa unang araw nito.
Target ng malawakang vaccination drive na mabakunahan ang siyam na milyong Pilipino sa loob ng tatlong araw.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1253 na pinirmahan ng pangulo noong November 24, 2021, inatasan ang National Task Force (NTF) Against COVID-19, Department of Health (DOH), at Department of the Interior and Local Government (DILG) na pangunahan ang mga aktibidad, programa at kampanya ng National Vaccination Days.
Hinikayat naman ng pangulo ang publiko na makiisa sa paglaban sa nakahahawang sakit.
“I call on every Filipino for your continued cooperation in fighting against COVID-19 by getting vaccinated and continuing to follow our minimum public health standards,” pahayag nito.
Magkakasa ng isa pang set ng tatlong araw na inoculation drive sa December 15 hanggang 17, 2021 upang makumpleto ang pagbabakuna sa 54 milyong Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.