Pagbabakuna sa mga edad 5 – 11 pinag-aaralan na ng DOH

By Jan Escosio November 26, 2021 - 11:14 AM

Ikinukunsidera na ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna ng proteksyon laban sa COVID 19 sa mga batang Filipino nae dad lima hanggang 11.

Sinabi ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang tagapagsalita ng DOH, may halos 13.5 milyon ang nasa naturang age group sa bansa.

Ngunit agad din nilinaw ni Vergeire na wala pang malinaw na petsa kung kailangan sisimulan ang programa dahil kailangan pang magpalabas ng emergency use authorization ang Food and Drug Administration (FDA).

Tiniyak na lamang nito na may sapat na suplay na ng bakuna kapag sinimulan ang pagpababakuna na ng mga nasa edad lima hanggang 11.

“We have enough supply. Actually, we have about 40 million doses still to come until the end of the year para ditto sa ating pagbabakuna ng COVID 19,” sabi pa ni Vergeire.

Una nang sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo na inaasahan na bago ang pagtatapos ng kasalukuyang taon ay masisimulan ang pagbabakuna sa mga bata.

TAGS: age group, COVID-19, Maria Rosario Vergeire, news, Radyo Inquirer, vaccination, age group, COVID-19, Maria Rosario Vergeire, news, Radyo Inquirer, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.