St. Luke’s Medical Center, nagbigay linaw sa drug test ni Marcos
Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng St. Luke’s Medical Center ukol sa lumabas na resulta ng drug test ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Kasunod ito ng mga ispekulasyon sa resulta ng isinagawang drug test sa dating senador, kung saan lumabas na negatibo ito sa cocaine.
Ipinunto ng ospital na “standard” at karaniwan ang format ng printed test result sa lahat ng healthcare facility na awtorisado ng Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng drug test.
“Regarding the mention of Bgy. Usuan as our location, this is because that is the only available location in DOH Integrated Drug Test Operation Management Information System when St. Luke’s Medical Center – Global City was accredited in 2010,” saad pa nito.
Hinikayat ng ospital ang publiko na iwasan ang pagbabahagi ng mga maling impormasyon sa social media.
“St. Luke’s calls on everyone to verify the information they receive from others and the information they plan to post online,” dagdag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.