China sinopla ni Mayor Isko Moreno sa utos na alisin ang Philippine Navy ship sa Ayungin Shoal

By Chona Yu November 25, 2021 - 11:52 AM

Tell it to the marines.

 

Ito ang unang reaksyion Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa hirit ng China na alisin na ang BRP Sierra Madre ng Pilipinas sa  Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay Domagoso, pag-aari ng Pilipinas ang naturang teritoryo at bilang isang Filipino, sinabi nito na hindi dapat na alisin ang Philippine Navy vessel ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

 

Sabi pa nito, kapag siya ang mapipili na susunod na pangulo ng bansa,  hindi niya papayagan ang mga dayuhang barko at ipaaresto ang  ilegal na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas

 

Dapat din aniyang malayang makapanghuli ang mga mangingisdang Filipino sa Ayungin Shoal at hindi dapat na pagbawalan ng China.

 

Dapat aniyang ipadala ng Pilipinas ang lahat ng mga mangingisda pati na ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard at iba pang resources sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.