Mayor Isko Moreno: Huwag papatanso sa ginto kapalit ng boto

By Chona Yu November 25, 2021 - 09:33 AM

Pinaalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang publiko na mag-ingat sa mga pakulo ng mga pulitiko ngayon nalalapit na ang eleksyon.

 

Sa pagbisita ni Domagoso sa San Jose del Monte City sa Bulacan, ibinahagi nito na may mga umiikot ngayon sa ibat-ibang bahagi ng bansa at nagpapapirma ng suporta sa isang kandidato.

 

Diumano ang bawat pirma ay isasama sa raffle para sa premyong ginto.

 

Paalala nito, ang pagpapalit sa boto sa ayuda at anim na taon na impiyerno.

 

Diin niya hindi pa nakikita ang pamosong Yamashita treasure kayat walang katotohanan ang pagpapa-raffle ng gold bar para sa boto.

 

Ang Yamashita treasure ay iniuugnay sa pamilya ni yumaong Pangulong Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.