Mayor Moreno, sasalang sa drug test bukas

By Chona Yu November 24, 2021 - 04:21 PM

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Bandang 8:00 pa lamang ng umaga sa Huwebes, November 25, magtutungo na sa tanggapan ng Philippone Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City si Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay para magpa-drug test si Mayor Isko at patunayang hindi siya ang tinutukoy na blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential candidate ang tumitira ng cocaine.

Sa pagbisita ni Mayor Isko sa mga na-relocate na residente sa San Jose del Monte, Bulacan sinabi nito na kasama niya na magpapa-drug test ang kanyang ka-tandem na si vice presidential aspirant Dr. Willie Ong.

Kasama rin sa drug test ang senatorial candidates na sina Carl Balita, Samira Gutoc, at Jopet Sison.

Ayon kay Mayor Isko, hindi lamang sa ihi kundi maging sa dugo at hair follicle ang gagawing drug test sa kanila.

Kasama sa drug test ang substance sa marijuana, shabubat iba pang uri ng ilegal na droga.

Paliwanag ni Mayor Isko, mahalagang matiyak na hindi lulong sa ilegal na droga ang susunod na mamumuno ng bansa.

Una rito, nagpadala ng liham si Mayor Isko kay PDEA Director General Wilikns Villanueva para magpa-schedule ng drug test.

Sumailalim na sa drug test sina Presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson at ka-tandem nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto.

Nagsumite naman ng drug test result sa PDEA si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. maging si Senador Manny Pacquiao.

Tanging sina Vice President Leni Robredo, Senador Bong Go at Leody de Guzman sa mga presidential candidate ang hindi pa naglalabas ng drug test result.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, AksyonDemokratiko, drugtest, InquirerNews, IskoMoreno, MorenoDrugTest, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, AksyonDemokratiko, drugtest, InquirerNews, IskoMoreno, MorenoDrugTest, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.