(UPDATE as of 4:00AM) Una pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha na ng kabuuang 38.65% ng bilang ng mga boto ng mga Pinoy sa katatapos lamang na halalan sa bansa.
Sa pinakahuling Inquirer Unofficial Result ng eleksyon, as of 4:00 AM, umaabot na sa 14,826,122 na boto ang nakukuha ni Duterte o katumbas ng 38.65% ng kabuuang bilang ng boto na pumapasok sa Comelec-GMA mirror server.
Pangalawa naman si Mar Roxas na may 8,886,520 na boto o 23.17 %.
Nasa pangatlong puwesto naman ang nag-concede na si Senador Grace Poe na may 8,327,676 votes o 21.71%.
Nasa ikaapat na puwesto si Vice President Jejomar Binay na may 4,945,335 na boto o 12.89%
Panlima si Senador Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 1,348,037 na boto o 3.51%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.