Text blast ikakasa kontra text scams sa utos ng NTC

By Chona Yu November 24, 2021 - 09:55 AM

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang telecommunication companies  na mag-text blast sa kanilang subscribers para balaan tungkol sa text spam ukol sa mga kadudadudang trabaho.

 

Sa gitna ito ng mga ulat na kalat na kalat na ang mga ganitong SMS messages.

 

Sa memorandum order na may petsang Nov. 19 na nilagdaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan ang Digitel Mobile Philippines, Globe Telecoms, Dito Telecommunity, at Smart Communications na magpadala ng text blast na naglalaman ng mensahe na:

 

“BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano’y nag-aalok ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam,” saad sa liham ng NTC.

 

Pinagsusumite rin ng komisyon ang telcos ng ng report of compliance bago o pagsapit ng Disyembre 14.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.