Pagkalat ng ‘spam text messages’ dapat ihinto ng NTC – Sen. Marcos

By Jan Escosio November 23, 2021 - 07:25 PM

Maituturing na cyber attack sa mga indibiduwal ang natatanggap na spam text messages kayat dapat nang kumilos ang National Telecommunications Commission (NTC), maging ang National Privacy Commission (NPC).

“Paano nasisikwat ng mga ‘smisher’ na yan ang ating mga mobile number? Kailangang masugpo agad ang puno’t dulo n’yan, at lampas na isang buwan ang nakararaan mula nang maireport ang ganitong mga insidente,” diin ni Marcos, ang namumuno sa Senate committee on economic affairs.

Ang smishing o SMS phishing ay ang ilegal na pagkuha sa mga personal na impormasyon tulad ng password o credit card numbers gamit ang text messages o mobile data apps, sa pamamagitan ng alok na trabaho, mga premyo o diskwento.

Paalala ng senadora, ipinagbabawal sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 ang “unsolicited commercial communications” na itinatago ang pinagmulan ng electronic messages at ipinadadala ng walang paunang abiso sa mga pinadadalhan nito.

Bagamat nagpalabas ang telcos ng mga abiso kung paano harapin ang ganitong ‘spam messages,’ hindi kumbinsido si Marcos na sapat na ito para malutas ang problema.

“Dapat makalikha ng isang sistema ang NTC at NPC kasama ang mga telco companies, mga bangko, at online shopping platforms na makakaharang sa spam messages para wala nang makatanggap nito,” giit ni Marcos.

Nanawagan rin si Marcos na itigil na ang “walang ingat na pangungulekta ng mobile phone numbers para sa contact tracing, na inililista sa mga nakabuyangyang lang na mga papel” bago payagan ang isang tao na makapasok sa mga bangko, mga supermarket at iba pang mga establisimento.

TAGS: ImeeMarcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SMSphishing, ImeeMarcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SMSphishing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.