Infrastructure project sa Mindoro, magpapalakas ng ekonomiya
Kumpiyansa si presidential aspirant at Senador Bong Go na makapagpapalago ng ekonomiya ang bagong bukas na infrastructure project sa Calapan, Oriental Mindoro.
Ayon kay Go, lalakas ang inter-island transit at kalakalan sa pagitan ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro at mga kapalit na probinsya.
Sa talumpati ni Go sa Philippine Chamber of Commerce and Industry’s Presidentiables’ Forum at 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi nito na kailangan na ipagpatuloy ang Build, Build, Build program sa tulong ng pribadong sektor.
“To sustain Build, Build, Build, we will partner with the private sector, improve and strongly pursue the collection of taxes and exercise prudent fiscal management. To ensure Build, Build, Build program’s integrity, we will intensify our anti-corruption efforts and promote Freedom of Information in the program,” pahayag ni Go.
Kabilang sa mga proyektongg pinasinayaan ang Calapan Port Passenger Terminal Building.
“At sa lahat ng ito, sisiguraduhin nating walang maiiwan sa ating muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa,” pahayag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.