Botohan sa mga lugar na may delay, extended hanggang alas sais ng gabi ayon sa Comelec
Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) en banc ng isang oras o hanggang alas sais ng gabi ang pagboto sa mga polling precincts na nagbukas ng alas nuwebe ng umaga o mas late pa.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na ang voting period sa naturang mga presinto ay hanggang alas sais ng gabi imbes na matatapos ng alas singko ng hapon.
Pero iginiit ni Bautista na ang extension ay ipapatupad lamang na case to case basis o para lang sa mga lugar na nagka-aberya ang mga Vote Counting Machines. Sa Comelec Resolution No. 10088, ang oras ng botohan ay mula alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Una nang nag-ulat ang ilang poll watchdogs na ilang polling precincts sa buong bansa ang nakaranas ng problema sa mga Vote Counting Machines kabilang ang pag-reject sa mga balota at paper jam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.