Desisyon na ni Pangulong Duterte kung papangalanan ang presidentiable na gumagamit ng cocaine – Nograles
Nasa pagpapasya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papangalanan ang isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, mas makabubuting hintayin na lamang kung kailan tutukuyin ng Pangulo.
Ayon kay Nograles, marami pang nakapilang public engagements ang Pangulo sa mga susunod na araw at buwan at baka sakaling isa sa mga aktibidad na ito ay magbigay pa siya ng dagdag na pahayag hinggil dito.
Naniniwala naman si Nograles na nagawang magsalita ng pangulo hinggil dito base sa intelligence reports na kaniyang nakukuha at siya lamang ang may access.
Nariyan naman aniya ang mga otoridad at alam ang gagawin, walang pinipili ang pag iral ng batas laban sa mga lumalabag ditto basta may basehan.
Wala namang plano ang Malakanyang na hamunin ang lahat ng tumatakbo sa pagka-presidente na suma ilalim sa drug test.
Ayon kay Nograles, maraming beses na rin itong isinulong sa mga nakalipas na mga eleksyon sa bansa, subalit kinwestyon dahil hindi naman ito kasali sa mga requirement, bagkus aniya ay boluntaryo lamang o desisyon na mismo ng kandidato kung gusto nitong magpa drug test o hindi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.