Comelec nakatanggap ng balita na may VCM sa loob ng Novotel
Personal na nagtungo sa Novotel sa Araneta Center Cubao si Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos na kumalat ang mga balita na mayroong VCM na nakita sa loob ng hotel.
Una nang sinabi ni PPCRV Chairperson Henrietta De Villa na natanggap din nila ang nasabing report, pero mismong ang may-ari ng Novotel ang nagtext sa kaniya para sabihin na hindi totoo ang balita.
Sinabi ni De Villa na nakababahala ang ganitong mga balita lalo pa at ang Novotel ay pribadong establisyimento.
Ayon kay Bautista, mabuting personal niyang alamin ang alegasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.