Walong port projects sa Mindoro, pasisinayaan
Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama sina Transportation Secretary Art Tugade at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago, ang inagurasyon ng walong port projects sa Occidental at Oriental Mindoro, araw ng Huwebes (November 18).
Kabilang sa mga naiayos na pantalan ang Port of Abra de Ilog sa Occidental Mindoro, maging ang seaports sa Oriental Mindoro: Port of Calapan, Port of Balatero, Port of Bansud, Port of Bulalacao, Port of Mansalay, at Port of Roxas.
Tututukan ng simultaneous inaugurations ang ginagawang pagpapalawak ng Passenger Terminal Building (PTB) ng Port of Calapan na kayang ma-aaccommodate ang 3,500 passhero.
Nakumpleto na rin ng PPA ang access road upang maiwasan ang traffic build-up sa lugar.
Mas magiging komportable na rin ang biyahe sa Port of Balatero dahil sa expanded PTB at extended jetty at back-up area.
Kaya nang ma-accommodate ng PTB nito ang 500 pasahero kasabay ng pagbubukas ng Puerto Galera sa mga turista.
Kabilang ang development ng Occidental at Oriental Mindoro ports sa 484 seaport projects sa ilalim ng Build, Build, Build Infrastructure program sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.