Ilocos Sur Mayor Chavit Singson tataya sa Bongbong – Sara team-up

By Chona Yu November 17, 2021 - 12:35 PM

Inanunsiyo ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na susuportahan niya ang tambalan nina dating Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Inquirer Online kay Singson, sinabi nito na ang suporta niya kina Marcos at Duterte ay dahil sa kuwalipikasyon at kakayahan ng mga ito na pamunuan ang bansa.

Sinabi na rin ni Singson na ang suporta niya kay Marcos ay dahil kapwa sila Ilocano.

Dagdag pa nito, magaganda ang mga nasimulang programa ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos at tiwala siya na maipapagpatuloy ito ng nakakabatang Marcos.

Naibahagi din nito, na una niyang inakala na tatakbo sa pagka-pangulo ang babaeng anak ni Pangulong Duterte.

Naging pinal na lamang aniya ang kanyang plano nang tumakbo naman sa pagka-pangulo si Sen. Christopher Go.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.