Pangulong Duterte hindi pa pinaghahandaan ang ICC case

By Chona Yu November 17, 2021 - 09:54 AM

Hindi pa bumubuo ng kanyang legal team si Pangulong Duterte na magdedepensa sa kanya sa International Criminal Court (ICC).

Nahaharap sa kasong crimes against humanity si Pangulong Duterte dahil sa nagresulta sa pagkamatay ng libo-libong suspected drug personalities ang inilunsad niyang ‘war on drugs’ simula noong 2016.

Diumano nagresulta din sa paglabag sa mga karapatang-pantao ang kampaniya, partikular na ang Oplan Tokhang.

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na base sa kanyang pagkaka-alam wala pang pinulong na mga grupo ng abogado ang Punong Ehekutibo kaugnay sa kanyang kaso sa ICC.

Una nang inihayag ni Nograles na hindi kasama sa motibo ni Pangulong Duterte sa kanyang pagkatakbo sa pagka-senador ang gamitin itong panangga sa ICC.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.