Nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan at Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga region, Davao Oriental, Davao de Oro, at Palawan.
Babala nito, maaring makaranas ng malakas na buhos ng ulan na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Magdadala rin ng pag-ulan ang Shearline o ang tail-end ng frontal system sa Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao.
Umiiral naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern Luzon.
Sa nalalabing parte ng bansa, kabilang ang Metro Manila, maaring makaranas ng localized thunderstorms.
Sinabi rin ni Rojas na walang inaasahang mabubuong bagyo sa loob ng teritoryo ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.