Palasyo aminadong mistulang inabandona nina Pangulong Duterte, Sen. Go ang PDP-Laban
Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na mistulang inabandona na nina Pangulong Rodrigo Duterte at presidential aspirant at Senador Christopher “Bong” Go ang kanilang partido na PDP-Laban.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, ito ay dahil sa gusot sa PDP-Laban.
Kumakandidato si Go sa pagka-pangulo ng bansa at si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Kinukwestyun naman sa Commission on Elections (Comelec) kung sino ang lehitimong grupo ng PDP-Laban, kung ang paksyon ni Senator Koko Pimentel o ang paksyon nina Pangulong Duterte na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Paliwanag ni Nograles, umiiwas lamang sina Pangulong Duterte at Go sa legal complications kung kaya nagpasyang tumakbo sa ilalim ng PDDS.
Iginiit pa ni Nograles na magkaalyado naman ang PDDS at PDP-Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.