Pagtakbo ni Pangulong Duterte bilang senador, walang kinalaman sa ICC investigation – Nograles
Walang kinalaman sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado sa 2022 elections.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, nais lang ni Pangulong Duterte na magsilbi sa bayan kung kaya tatakbong senador.
Nahaharap si Pangulong Duterte sa imbestigasyon sa ICC dahil sa kasong crimes against humanity bunsod ng madugong anti-drug war campaign.
Paliwanag ni Nograles, nais lang ni Pangulong Duterte na ipagpatuloy ang pagsisilbi sa bayan.
Kasabay nito, nanawagan si Nograles na patuloy na suportahan ang Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.