Sen. Lacson hinanap ang koneksyon ng P5B halaga ng kalsada sa COVID 19 response

By Jan Escosio November 16, 2021 - 09:17 AM

Screengrab from Sen. Ping Lacson’s Facebook video

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang paggamit ng P5 bilyon pondo para sa COVID 19 response sa pagpapatayo ng farm-to-market road projects ng Department of Agriculture (DA).

Hindi naiwasan ni Lacson na kuwestiyonin ang isyu kay Sen. Cynthia Villar, ang sponsor ng 2022 budget ng DA.

“We noticed releases under Bayanihan 2 focused on farm-to-market roads worth P5 billion. Can you explain the connection between these farm-to-market road releases and the government’s Covid response? Parang hindi ko ma-connect,” sabi ni Lacson sa paghimay niya sa pondo ng DA.

Kasabay nito, inusisa din ni Lacson ang 17 porsiyentong pagtaas ng pondo para sa Agri- Equipment, Facilities, and Infrastructure program mula P11.3 billion sa P13.32 billion ng DA na nagpataas sa pondo para sa pagpapagawa ng farm-to-market roads mula P4.98 billion sa ilalim  National Expenditure Program hanggang P6.95 billion, na nasa bersyon naman ng 2022 General Appropriations Act ng Kamara.

Itinanggi na ng DA na may kinalaman sila sa mga nabanggit na proyekto.

Pagpupunto ni Lacson regular na problema na lamang taon-taon ng ilang ahensya na dinadagdagan ang kanilang pondo na hindi na sila napapagsabihan ukol sa paggagamitan.

TAGS: budget cut, COVID-19, cynthia villar, Department of Agriculture, news, ping lacson, Radyo Inquirer, budget cut, COVID-19, cynthia villar, Department of Agriculture, news, ping lacson, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.