Lubang, Occidental Mindoro niyanig ng lindol
Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Occidental Mindoro, Lunes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro sa layong 25 kilometers Northeast ng Lubang dakong 7:14 ng gabi.
May lalim na 70 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Calapan City, Oriental Mindoro
Intensity 1 – Marilao, Bulacan; Olongapo City; Tagaytay City, Cavite
Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks sa mga katabing lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.