Defensor, itinutulak ang pagpapalawig ng suspensyon ng higher fuel excise taxes
Itinutulak ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor na palawigin ang suspensyon ng koleksyon ng pagtataas sa excise tax sa mga produktong petrolyo hanggang December 31, 2024.
Paliwanag ng mambabatas, layon nitong makapagbigay ng economic relief sa mga konsyumer na umaaray sa pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
“We are counting on consumer spending to contribute in a big way to the country’s economic recovery from the COVID-19 crisis in the years ahead,” pahayag ni Defensor at aniya pa, “We want that spending to be energized by a lengthened suspension of the collection of the increase in fuel excise taxes.”
Sa House Bill No. 10411, ipinanukala ni Defensor ang pagsuspinde ng pagkokolekta ng higher excise tax sa gasolina, diesel, kerosene, at iba pang oil products, alinsunod sa Section 43 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, hanggang December 31, 2024.
“We want the government to sacrifice the increase in fuel excise taxes so that the consumers will get to keep billions of pesos in their pockets for their own spending,” saad ng kongresista.
Dagdag nito, “The government can always resort to more borrowing to sustain its own spending, but ordinary consumers cannot do the same.”
Sa ngayon, nasa P10 ang excise tax sa kada litro ng gasolina, P6 naman sa kada litro ng diesel, at P5 sa kada litro ng kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.