Travel restrictions sa mga hindi bakunadong bata, pag-uusapan ng Metro Manila mayors

By Jan Escosio November 15, 2021 - 03:55 PM

Tatalakayin ng mga alkalde sa Metro Manila kung kinakailangang magpatupad ng travel restrictions sa mga bata hindi pa nababakunahan ng proteksyon kontra COVID 19.

Ito ang ibinahagi ni Interior Sec. Eduardo Año matapos kumpirmahin ni MMDA Chairman Benhur Abalos na nagpositibo ang isang dalawang taong gulang na bata matapos mamasyal sa isang mall.

Ngunit paglilinaw ni Año, inaalam na nila na ‘false positive’ ang resulta ng rapid antigen test ng bata.

Diin niya, maaga pa para sa mga konkretong konklusyon bagamat aniya ang positibo sa pangyayari ay may pag-aaralan ang mga awtoridad.

Dagdag pa niya, patunay lang ito na kailangan pa rin ang istriktong pagsunod sa health protocols at para naman sa mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak kung dadalhin sa mga matataong lugar.

Paalala lang niya, hindi dapat maging kampante dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19 at aniya, bumaba lamang ang mga kaso.

TAGS: eduardo año, InquirerNews, MetroManilaMayors, mmda, RadyoInquirerNews, unvaccinated, eduardo año, InquirerNews, MetroManilaMayors, mmda, RadyoInquirerNews, unvaccinated

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.