Ilang problema, naranasan sa pagsisimula ng botohan

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2016 - 08:18 AM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

May mga problemang naranasan, ilang oras matapos na magsimula ang botohan.

Sa Sorsogon, may insidente na hindi binasa ng makina ang boto ng isang botante mula kongresista pababa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Coop-NATCCO part list Rep. Anthony Bravo na hindi binasa ng vote counting machine ang boto ng kaniyang anak na si Susan sa mga lokal na posisyon.

Aniya, tanging ang boto sa national posts lamang ang nabasa ng makina.

Sa Buhatan Integrated School sa Sorsogon, ang VCM sa mga clustered precinct numbers 84-A, 85-A at 85-B ay hindi gumana.

Samantala, sa Legazpi City High School, may mga iniulat ding insidente na hindi tinanggap ng VCM ang balota ng botante.

Sa Kasiglahan Village Elementary School sa Barangay San Jose Rodriguez Rizal, mayroong botante na bagaman active voter naman at may biometrics ay hindi nakaboto dahil wala ang pangalan niya sa mga polling precincts.

Ang twitter account ng Comelec ay inuulan naman ng kataungan ng mga botante na hindi alam kung ano ang kanilang precinct number.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.