Aabot sa 1,997 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Nobyembre 13.
Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2,815,080 na anng kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 29,382 ang aktibong kaso o one percent ng kabuuang bilang.
Sa aktibong kaso, 63.6 percent ang mild, 5.6 percent ang asymptomatic, 16.34 ang moderate, 10.1 percent ang severe, at 4.3 percent ang kritikal.
Nasa 238 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.
Sa kabuuan, nasa 45,272 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.