Pangungulit ni Sen. Kiko Pangilinan sa DBM nagbunga para sa mga magsasaka, mangingisda

By Jan Escosio November 12, 2021 - 08:36 AM

 

Ibinahagi ni Senator Francis Pangilinan na nagbunga ng maganda ang pag-uusisa niya sa Department of Budget and Management dahil nailabas na ang implementing rules and regulations (IRR) para sa direktang pagbili sa mga magsasaka at mangingisda.

Aniya ang Government Procurement Policy Board (GPPB) ay nagsumite na ng kopya ng IRR sa Senado para bigyan pahintulot ang mga ahensiya na direktang bumili sa mga magsasaka at mangingisda alinsunod sa iniakda niyang Sagip Saka Law.

Ayon pa kay Pangilinan hindi bababa sa P41 bilyon ang inilaan na budget ng DepEd, DOH, DILG, at DSWD para sa pagbili ng mga produkto sa sektor ng agrikultura.

Nabatid na may hiwalay na pondo din ang mga lokal na pamahalaan para sa katulad na hakbangin.

“Malaking pera itong diretsong mapupunta sa bulsa ng ating mga magsasaka at mangingisda. Malaking bagay ito, lalo na sa panahon ng pandemya, pagbaha ng imports, at sari-saring bagyo na kinakaharap ng mga nagpapakain sa atin,” dagdag pa ni Pangilinan.

TAGS: DBM, kiko pangilinan, magsasaka, Mangingisda, DBM, kiko pangilinan, magsasaka, Mangingisda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.