Sen. Ping Lacson pinalagan ang harassment sa kanyang supporters sa Maynila

By Jan Escosio November 12, 2021 - 08:20 AM

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang panggigipit sa kanyang mga tagasuporta ng mga tauhan ng Manila Police District.

Ibinahagi ni Lacson na ilang pulis-Maynila ang nanita sa ilang tricycle drivers at residente na nakasuot ng face mask na may mukha nina Lacson at Senate President Tito Sotto.

Aniya ang utos ng mga pulis ay kung hindi papalitan ang face mask ay baligtarin na lamang ang ito.

“Bakit pinapatanggal sa Manila ang face masks? The members of the Manila Police District are harassing tricycle drivers and people wearing giveaway face masks. May mali ba roon)?” tanong niya.

Dagdag pa niya; “I know the directive did not come from Crame. Walang directive. Bakit sa Manila lang?”

Magpapadala aniya sila ng mga kopya ng nalathalang ulat ukol sa mga insidente sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Camp Crame.

“Sariling katawan ng tao yan. When you put up streamers on private property it’s not a violation. What more if a person is wearing a face mask?” pagdidiin pa ng senador.

TAGS: harassment, Manila Police District, news, ping lacson, Radyo Inquirer, Vicente Sotto III, harassment, Manila Police District, news, ping lacson, Radyo Inquirer, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.