Mga polling precincts nagbukas na

By Dona Dominguez-Cargullo, Isa Umali, Ruel Perez May 09, 2016 - 06:11 AM

Francisco P. Tolentino Mem HS Jan Escosio 2Alas 6:00 ng umaga, nagbukas na ang maraming polling places para sa pagsisimula ng botohan ngayong umaga.

Ang ibang eskwelahan, ilang minuto bago mag-alas 6:00 ay nagbukas na sa mga botante.

Ang Nativity of Our Lady Parochial School sa Marikina City ay maagang binuksan dahil alas 6:00 ng umaga ay naroon na si Senator Gringo Honasan para bumoto.

Binuksan din ilang minuto bago mag alas 6:00 ang San Antonio High School sa Makati City dahil 6:00 din ng umaga ang pras ng pagboto ni Vice President Jejomar Binay. Maagang dumating si Binay sa nasabing paaralan at agad dumeretso sa kaniyang polling precinct.

Si Senator Miriam Defensor-Santiago, maaga ring boboto ngayong araw sa La Vista sa Quezon City.

Sa Ilocos Norte, maaga ring binuksan ang Mariano Elementary School sa Ilocos Norte.

Inaasahan ng Comelec na mahigit 50 milyong botante ang boboto mula ngayong umaga hanggang mamayang alas 5:00 ng hapon.

TAGS: Voting officially starts, Voting officially starts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.