Mga T-shirt na may mukha ng mga kandidato, bawal sa mga polling centers
Ipinaalala ng Commission on Elections sa publiko na bawal bukas ang pagsusuot ng mga t-shirt na may mukha o slogan ng mga kandidato sa loob ng mga polling centers.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, posibleng maharap sa campaign ban ang sinumang magpupumilit na pumasok sa mga ovting precinct na nakasuot ng ganitong uri ng damit.
Bukod dito, bawal din ang pamimigay ng mga sample ballot mga banner at iba pang campaign material sa loob ng mga presinto.
Hindi rin pahihintulutan ang pagbibigay ng libreng sakay o ‘hakot’ ng mga botante, pamamahagi ng mga inumin o pagkain ng isang kandidato sa araw ng halalan.
Sakali aniyang may mga ganitong uri ng aktibidad na makita ang publiko, maari itong ireport sa mga otoridad upang masampahan ng kaukulang reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.