Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang high-profile na puganteng South Korean na wanted sa kaniyang bansa dahil sa pagkakalat ng pornography.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nahuli si Jung Yonggu, 38-anyos, sa bahagi ng Cebu City noong November 1, 2021.
Inaresto si Jung sa bisa ng Warrant of Deportation na inilabas noong Oktubre laban sa kaniya dahil sa pagiging undocumented alien at banta sa kaligtasan ng publiko.
Sinabi ni Morente na nakatanggap ng impormasyon ang ahensya ukol sa mga kaso ni Jung mula sa South Korean authorities.
“Upon receipt of the information, we immediately filed a charge against him and conducted an investigation to locate and arrest him,” dagdag nito.
Ayon naman kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy, may kinakaharap ang dayuhan na warrant of arrest mula sa Seoul Central District Court dahil sa pagpo-promote at pagkakalat ng pornography at iba pang may kinalamang krimen sa ilalim ng Criminal Code of the Republic of Korea.
Nagtungo ang dayuhan sa Pilipinas noong July 2018 upang takasan ang mga kaso.
Napaulat na kinansela na ng gobyerno ng South Korea ang pasaporte nito dahilan para maging isang undocumented alien.
Sa ngayon, nakakulong si Jung sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang deportation nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.