Militar na nag-convoy sa mga VCM niratrat, isang sundalo patay
Patay ang isang sundalo habang apat ang sugatan sa Catarman, Northern Samar matapos atakihin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA ang convoy ng militar na katatapos lamang eskortan ang sasakyan ng isang private courier na nag-deliver ng vote counting machines o VCMs sa gagamitin sa hahalan.
Ayon kay Capt. Bard Caesar Mazo, civil military operations officer ng 803rd infantry division ng Philippine Army, ang nasawing sundalo ay kinilalang si Private Louieden Quebec, bente anyos at residente ng Barangay Lokilokon, Paranas, Samar.
Kwento ni Mazon, pabalik na ng headquarters ang military truck at PNP patrol car mula sa Barangay Mapanas matapos maging escort ng sasakyang nagdala ng mga VCM, nang umatake ang mga rebelde kahapon (May 07).
Umabot ng tatlumpung minuto ang engkwentro.
At habang nagbabakbakan, sumabog ang isang improvised explosive device na ikinasugat ng tatlong sibilyan.
Sinabi ni Mazo na nagtanim daw ang NPA ng limang IEDs sa kahabaan ng Palapag-Mapanas-Gamay-Lapinig road.
Kinondena naman ng Armed Forces of the Philippines o AFP ay anila’y pananakot ng mga rebelde upang guluhin ang May 9 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.