Pantawid-Trabaho program sa mga kabataan hiniling ni Sen. Risa Hontiveros na palakasin

By Jan Escosio November 11, 2021 - 11:07 AM

Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang National Economic Development Authority (NEDA) na dagdagan ang pondo para sa youth apprenticeship program na layon magbalik sa pag-aaral at trabaho ngayon limitado ang mga oportunidad dahil sa lagay ng ekonomiya.

“Maraming mga kabataang edad 15 hanggang 24 ang walang trabaho o hindi pumapasok sa eskwela. Mula 39,000 lang noong July 2020 ay umakyat ito sa 925,000 nitong July 2021. Inaasahang dadami pa ito. Kailangan ng pantawid-tulong habang wala pa silang nakikitang permanenteng trabaho,” sabi ng senadora.

Aniya nararapat lamang na buhusan ng pondo ang mga programa na makakapagbigay ng trabaho sa mga kabataan  na nakapagtapos ng K-12 ngunit nahihirapan na makahanap ng pagkakakitaan.

Nabanggit niya ang Jobstart program na nagbibigay tulong sa mga kompaniya na kukuha at magsasanay ng mga kabataan para sila ay makapag-trabaho.

Ang programa ay ikinakasa sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Asian Development Bank (ADB).

“Pantawid ito mula eskwela papuntang trabaho. May assured na six months na sweldo habang nasa ‘training’ ka sa potential employer mo. Kailangan ng mas malaking suporta mula sa gobyerno para mapalawak pa ang programang ito at ma-accommodate ang mas maraming kabataan na nangangailangan,” sabi pa ni Hontiveros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.