LGUs hinikayat ng DOH na gumawa ng caroling guidelines

By Jan Escosio November 11, 2021 - 09:24 AM

 

Hindi bawal ang pangangaroling sa mga lugar kung saan umiiral ang COVID 19 Alert Level 2, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngunit hinihikayat ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan base sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Paalala lang din ng DOH na may posibilidad ng hawaan sa mga tinatawag na voice-related activities tulad ng pag-awit lalo na sa mga matataong lugar.

Mas mababawasan ang posibilidad ng hawaan, ayon pa sa kagawaran, kung ang pagkanta ay gagawin sa labas ng bahay at may distansiya sa mga manonood.

Hanggang maarin din ay huwag nang isama ang mga senior citizens at may ‘vulnerabilities.’

Hinihikayat din ng DOH ang ‘online o virtual caroling.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.