Higit 30 mangingisda sa Cavite City, hinuli dahil sa iligal na pangingisda

By Angellic Jordan November 10, 2021 - 06:25 PM

Photo credit: Coast Guard Station Cavite

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang pitong bangka dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Cavite City, araw ng Martes (November 9).

Nahuli sa akto ng mga awtoridad ang 33 mangingisda sa ginagawang iligal na aktibidad sa layong 2.5 nautical miles ng Sangley Point.

Nilabag ng mga mangingisda ang Cavite City Ordinance Number 06 – 3149 Section 2 (Trawl and Fine Mesh Net Fishing Inside Municipal Waters).

Dinala naman ang mga bangka sa impounding areas sa bahagi ng Barangay 49-M Akasya para sa proper documentation at pagsasampa ng mga kaso.

TAGS: IllegalFishing, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, IllegalFishing, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.