45,000 nagparehistro para sa COVID 19 pediatric vaccination ng Las Piñas City LGU
Inanunsiyo ni Mayor Imelda Aguilar na umabot na sa 45,000 ang nagparehistro para mabakunahan ng proteksyon sa COVID 19 ang mga nasa edas 12 – 17.
Ayon kay Aguilar patunay ito na maraming magulang at guardians ang tumanggap sa kanilang paanyaya na pabakunahan na ang mga menor de edad.
Aniya ang target nila sa kanilang “Bakunahan sa Kabataan” program ay 65,000.
Regular din ang pag-ikot ni Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa pitong vaccination sites sa lungsod para bigyan kumpiyansa ang mga bata at kanilang magulang ukol sa bakuna.
Paalala lang din niya sa mga magulang na sakaling makaranas ng anumang adverse effects ang nabakunahan nilang anak ay agad makipag-ugnayan sa mga kinauukulan sa pamamagitan ng Facebook account ng pamahalaang-lungsod.
Ibinahagi din ni Aguilar ang kanyang obserbasyon na simulang nang ikasa nila ang pediatric vaccination noong Oktubre 22 ay padami nang padami ang mga kabataan na nais mabakunahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.