Pfizer-BioNTech hiniling sa US FDA na maibigay na booster shots ang COVID 19 vaccines
Ginawang pormal ng Pfizer at BioNTech ang kanilang hiling na mabigyan na emergency use authorization (EUA) ng gobyerno ng US para maibigay na ‘booster shots’ ang kanilang COVID 19 vaccines.
Ang hiling ay para sa mga nasa edad 18 pataas.
Noong nakaraang buwan, inilabas ng dalawang drug manufacturers ang resulta ng kanilang pagsasaliksik na 95.6 porsiyento na epektibo bilang ‘third shot’ ang kanilang bakuna laban sa symptomatic infection.
Ito naman ay base sa isinagawang clinical trials sa 10,000 katao.
Sa kanilang aplikasyon sa US Food and Drug Administration, hiniling ng dalawang kompaniya na magdagdag nga bagong ‘population segment’ at amyendahan ang unang EUA na ibinigay sa kanila noong Setyembre.
Ang unang EUA ay para sa booster shot sa mga nasa edad 65 pataas gayundin sa mga nasa ‘hisk risk category.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.