Kathryn Bernardo, no comment sa balitang tumiwalag na siya sa INC
Tikom pa rin ang bibig ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa ulat na kumalas na siya bilang miyembro ng makapangyarihang religious group na Iglesia ni Cristo o INC.
Noong nakalipas na mga araw, umani ng iba’t ibang reaksyon ang isang post sa Instagram ng kabarkada ng Teen Queen na may caption na “Kathryn and Trina both received Christ today as their own and personal Savior!”
May mga natuwa, pero mayroon ding nang-intriga lalo’t si Kathryn at ka-loveteam nitong si Daniel Padilla ay kilala supporters ng tambalang Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party.
Matatandaang inanunsyo na ng INC na ang kanilang ini-endorsong Presidential at Vice Presidential candidates ay sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Bongbong Marcos.
Sinasabing may umiiral na bloc voting sa hanay ng INC members tuwing eleksyon, alinsunod umano sa paniniwala ng religious sect at bilang pagpapakita ng pagkakaisa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.