PLDT – Smart inulan ng reklamo sa social media dahil sa pumalpak na fiber connection

By Jan Escosio November 09, 2021 - 06:35 PM

Idinaan na sa social media ng mga subscribers ng PLDT – Smart ang kanilang ngitngit at labis na pagkadismaya dahil sa naranasang fiber outage noong nakaraang Lunes ng gabi sa Luzon hanggang Mindanao.

Ilan lamang sa mga naapektuhan ay sa Aurora, Batangas City, Laguna, Rizal, Maynila, Mandaluyong City, Northern Samar, Cebu, Iloilo City, Bohol, Cagayan de Oro, Misamis Occidental, Isabela, Basilan, at Davao City.

Karamihan sa mga reklamo ay ang naging epekto ng pangyayari sa kanilang mga pang-araw araw na gawain, partikular na ang mga nasa “work from home arrangement.”

Bukod diyan ay may mga naapektuhan din ang online class ng maraming bata dahil sa insidente.

Marami din ang nagtanong at nanghingi ng paliwanag mula sa PLDT – Smart ngunit wala silang nakuhang sagot na lalo nilang ikinagalit.

Kasunod nito ay sumulpot na rin ang iba pang mga reklamo lalo na ang mabagal at bumabagsak na Internet connection.

Samantala, hindi kinagat ng mga market investor ang pahayag ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan na ang PLDT ay  “undervalued” kumpara sa mga kalaban nitong  Globe Telecom at Converge.

Makaraang ihayag ni Pangilinan sa media at market analysts ang murang presyo ng PLDT noong November 4 at 5, ayon sa pagkakasunod, iniangat ng mga investor ang Converge ng anim na porsiyento at tatlong porsiyento naman ang sa Globe habang .61 porsiyento ang ibinaba ng PLDT kahapon.

Pagdating sa market cap, ang Converge ay nagdagdag ng P28 billion sa P265 billion at ang Globe ng P20 billion sa P441 billion kasunod ng pahayag ni Pangilinan at nanatili naman ang PLDT sa P354 billion.

TAGS: fiber connection, news, palpak, pldt-smart, Radyo Inquirer, social media, fiber connection, news, palpak, pldt-smart, Radyo Inquirer, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.