Election related incidents, 15 patay, 9 sugatan

By Isa Avendaño-Umali May 08, 2016 - 02:37 PM

election campaig materialsKabuuang labing limang tao ang nasawi habang siyam ang sugatan dahil sa election-related incidents sa panahon ng kampanya, ayon sa Philippine National Police.

Sa inilabas na data ng PNP, ang naturang bilang ay naitala mula nang mag-umpisa ang election period noong January 10, 2016.

Sinabi ng PNP na nasa 146 ang kabuuang violent incidents sa buong Pilipinas, mula January 10 hanggang May 08.

Pero mula sa 146, dalawampu’t walo lamang ang validated na election-related incidents habang animnapung insidente ay non-election-related incidents at limampu’t walo ay suspected election-related incidents.

Ang validated election-related incidents ay nairekord sa:

– Central Luzon (5)

– Central Visayas (4)

– Cagayan Valley (4)

– CALABARZON (4)

– Ilocos Region (3)

– Northern Mindanao (2)

– Metro Manila (2)

– Zamboanga Peninsula (1)

– Bicol Region (1)

– SOCCSKASARGEN (1)

– At Cordillera Administrative Region (1).

Samantala, ini-ulat ni PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor na labing dalawang indibidwal na ang naaresto dahil sa paglabag sa election liquor ban.

Ang liquor ban ay nag-umpisa ngayong araw, at magtatapos sa hating-gabi ng May 9.

TAGS: #VotePH2016, Election related incidents, #VotePH2016, Election related incidents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.